Archive for March, 2007

Flight back to Texas with goodies!

Things and food stuff packed and ready to go. Got all those goodies from Philippine Bread House at Newark Ave like macapuno ensaymada, ube ensaymada, taisan, hopiang baboy, haleyang ube, and lots of other kakanin.  Had to pack them in a way na hindi sila magmumukhang pizza pie pag dating namin sa bahay. Wala kasing mga ganito sa lugar namin kaya nag-load up na ako ng marami!

Here’s a review from New York Times on the Phil. Bread House

Snow everywhere!

Kids liked the idea of snow everwhere! They haven’t seen this much snow at our place so they enjoyed every minute of it. They went to the school ground near the bajar’s place and took boogie boards and they just went sliding on the snow. The playground has that little embankment that slopes in a nice angle whereas you can just slide down.

I even tried it myself. Funnnnnn!!!!

dalawang matakaw na bata sa airport

Grabe sa takaw itong mga anak ko! Kumain ng 3 boxes ng pizza inn personal pizza habang naghihintay kami ng tawag for boarding. Tapos sigurado ako pagsakay namin at nag-lako na ang stewardess ng snack nakaabang na ang mga ito sa cart. tibay!!

trip to nj

We got here at the airport more than 2 hours before the flight. Talo pa ang international flight na kailangan nasa airport ng maaga.
Eh paano ang isa sa pinaka-hate ko sa buhay ay yung nagmamadali dahil late. Katuwiran ko hindi bale ng maaga at maghintay sa lobby ng airport kaysa ma-stress ka sa pagmamadali. Masisira lang ang araw mo sa stress.
Kaya eto, kasama ko dalawa kong junakis para bisitahin ang kanilang lola and other relatives.
It’s going to be their 1st flight after so many years noong pumunta sila dito. Sayang at hindi kami nakapunta ng mas maaga this month para maka-attend sa bday ni ermat kasi nga too much ang airfare. Pero ang importante naman makikita nya ulit ang mga apo nya.

monday blues – parking ticket!

Paalis pa lang ako sa bahay may bwisit na. May ticket sa kotse ko for parking in the wrong direction. Ang siste kasi coming from the main road left ako sa kalye namin tapos ang haus namin nasa left side of the street tapos nag park ako facing the opposite flow of the traffic. Ewan ko ba at kung sino ang may pakana ng bagong law na yan.
Then I asked kung magkano ang penalty… $95 daw!! Aray ko!!!

downloading contents from dish dvr

Had made the switch now from dish network to directv. Now I have a few days to download all those shows from my dvrs and burn them to dvds. Buti na lang at may dvd recorder ako dahil kung hindi bale wala lang lahat ng inipon naming wiggles show! Heheheh
Actually mas concern ang jowa ko sa mga christmas movies na ni-record nya from lifetime channel. Yung bang tipong drama with the christmas spirit intact.
Ok na rin. So eto. 45 hrs worth of shows to go…

TKD workout -1st day

Officially joined the USWTMA by signing up. that means gastos na naman! Pero oks lang. nothing is more important than your health diba? So kasama ko ang dalawang anak ko sa workout eh di parang bonding na rin. It has been more than 10 years ago when I last signup for this kind of workout. Pero sana I can keep this up. Well I guess I have to kasi committed ako ng isang taon by contract! ngeeee!

So ayun na nga. Around late morning we started with an extensive warmup and stretching exercises. Panay ang aray ko kasi talagang stiff and dormant ang mga muscles & ligaments ko. Nagsisigawan ang mga taba ko sa katawan dahil nasusunog sila sa tindi ng activities! After about 35 minutes nakaramdam ako ng parang binibuhol ang bituka ko. ewan ko pero parang ganoon ang feeling. tapos parang nasusuka ko  na hindi ko maintindihan. So stop ako sandali tapos napansin ng instructor kaya pinag-pahinga ako. Syet! akala ko mag-pa-pass out ako! After about 10 minutes naka-recover na ako. Grabe. Talagang I need a lot of working out…

paghingi ng dagdag

Nakaroon na rin ako ng lakas ng loob lumapit sa amo ko at magpasakalye ng konti bago bumanat ng request for a review.
ChamadalingSalita pengeng dagdag!
Nakinig naman at tinanong kung kailan ako huling nagkaroon ng dagdag, sabi ko 2 taon na ang nakaraan. Ngeek! Ang sabi ng amo ko. ‘Sige. Aayusin ko.’ Ang sabi nya.
At doon nag simula ang waiting game….