Archive for April, 2007

Dentist Appt rescheduled

Dahil kaya sa holy week and my upbringing in the supersitious culture kaya ko kinancel yung crown installation sapagkat masyadong risky and might pose a possible danger in my well-being dahil patay ang Diyos? O dili kaya dahil sa natanggap kong sulat kagabi na nag-sasaad na nag-aatubili ang aking dental insurance company na bayaran ang claim sapagkat feel nilang hindi pa lihitimo ang pagpalit ng aking dating crown dahil hindi pa umaabot sa end of its useful life ayon sa kanilang norm?
Maari rin kaya na tinatamad ako dahil masyado akong nagising na maaga?

Ah ewan! in 2 weeks palaisipan na naman yan!

Pepsi 349

Naalala ko ang pepsi 349 scandal nang minsan nanood ako ng tfc. I guess nag-start itong pepsi number fever noong 1992 tapos ang siste ata maraming nakakuha ng tansan na may 349 sa syang inannouce sa tv na winning number. Doon ata nag-umpisa ang gulo dahil kung bababayaran ata lahat ng nananalo aabutin ng 500 million (?)

Nasaan ba yung website na yun..teka…

http://www.pepsi349.com/pepsi349story.htm

 

 

Katakawan on a Monday

Came across this blog which made me drool…..

http://eatingasia.typepad.com/eatingasia/philippines/index.html

 

 

semana santa 2007

Holy week. Siguradong buhol-buhol na naman ang trapik sa pinas.

Dito naman sa amin regular pa rin ang schedule. Inaayos nga ng amo ko na makauwi kami ng maaga sa Good Friday. Ang kaso mo naman buzy ako every friday dahil billing ng isa sa malaki naming kliente. Siguro uumpisahan ko na lang na gawin on Thursday para madaling matapos sa Friday morning. Feel ko sanang mag-off pero mahirap na. Hindi pa kami pareho ng rehilyon ng may-ari. Pero holy din ata sa kanila ang week na ito.

Kausap ko kanina ang co-worker kong chicana. Sa kanila daw pag sabado de gloria yun nanay nya hinihila daw ang tenga nila paitaas para raw lumabas ang demonyo sa katawan nila. Baket kaya? kasi siguro pumapasok ang dimonyo sa tenga by means of evesdropping? o dahil sobra silang tsimosa kamukha ng mga pinoy? Naku siguro naglalakihan ang mga tenga doon sa may sa amin sa Tondo!

Palaspas Day o Palm Sunday

Heading out the door for Palm Sunday Mass. Dito sa amin ang mga palaspas masyadong simple. Puro mga dahon lang na wala man lang design. Hindi kamukha doon sa pinas na pagandahan ng design.
-after an hour-

Marami ring tao sa simbahan. Late kami ng mga 5 minutes tapos naghanap pa kami ng parking space. Sa damuhan na nga kami nakakita. Tapos sa lobby na lang kami pumesto kasama ng iba ring latecommers. Sermon of the day Pain & Sufferings - contrast discussion.

« Prev