Flu Season-Sipon,sakit ulo,sakit katawan

Yep. Flu season na. Actually it started last October pa nga eh. Natapos na ako ng 1st strain early October pero alam mo marami pang ibang strain ng flu ang darating. Pero bago ang lahat ano ba yang flu? Para sa mga inosente ang flu or influenza ay isang respiratory illness na gawa ng maimpluwenseng virus.
Ang masama dito sa buwisit na sakit na ito lahat ata ng parte ng katawan mo masakit. Tapos walang tigil ang tulo ng uhog or kaya minsan naman barado ang ilong. ibang-ibang dating sa bawat tao.
Uso nga dito sa tate ang flu shots pero mas gusto ko pang suminghot ng hangin sa labas para ma-immune na ako ng husto. Dati matibay sa sipon ang katawan ko. Ewan ko ba ngayon at medyo madali na akong tamaan ng sipon. Siguro dahil panay puyat sa kaka-computer! Pero sabi ng iba, basta drink ka lang lagi ng orange juice o kain ka ng rich sa vitamin C na prutas ok ka na.

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply