Good Friday – Biyernes Santo – upgraded to WordPress 2.1.3

Pinauwi kami ng maaga today in the spirit of good friday. Buti na lang at christiano ang amo ko. Alas-tres ang time talaga na pinauwi kami pero dahil sipsip-higop-vacumn ako nag stay ako hanggang 4pm. Ska hiniram kasi ng may-ari yung susi ko para doon sa isang suite namin eh nakakabit doon ang susi ng koste ko kaya hindi ako maka-alis! May kausap pa sa phone kaya nag-sign language na lang ako para makuha ko.
Anyways, nakauwi naman ako ng bago mag-alas sinko kaya oks na rin. Inabutan ko ang jowa ko na nanonood ng D’Lucky Ones sa Tfc. Aliw na aliw ba naman… sabi ko ‘hoy! biyernes santo ngayon…araw ng pagtitika..’ (ano nga ba ibig sabihin non..?)

In other news nag-upgrade na ako sa latest version ng WordPress 2.1.3 kasi nabubwiset na ako sa spam comments. Limang sunod-sunod na spam comments ang natanggap ko kaya letche!! upgrade ko nga ito..tingnan natin kung matigas pa sila…

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply