Hello po Tatay! Missed you

Hello Tatay… araw na naman ng pag-gunita ko sa pinakamalungkot kong araw sa buong buhay ko.  Ang mawala ang gabay at tinitingala kong dakilang ama.

Pero sana nakikita nyo na hindi naman nasayang ang pagpapalaki nyo sa akin. Natuto naman akong mamuhay ng hindi umaasa sa iba. Ginamit ko ang pinagpaaral nyo sa akin upang marating itong kinatatayuan ko ngayon.  hindi nga lang natupad ang ultimong plano nyo na maging unico hijo eredero sa mga pinundar nyo pero oks na rin po. Masaya naman po ako ngayon sa estado ng buhay ko. Sana ay ganun din kayo. love u tatay…

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply