Ligtas sa gastos kahit kalahati lang

Dumating na ang sulat galing sa dental insurance ko regarding the decision kung babayaran nila yung pagkakapalit ng porcelain crown ko na tinanggal noong Feb 21 dahil pinasok ng cavity yung loob noon kasi yung inutil na dental clinic na una kong pinuntahan ay talagang inutil. Yung pagkakainstall pa lang ng crown ko noon feel ko palpak.

So itong bagong dentista namin mukhang magaling..well talagang magaling. kasi naayos nya yung crack sa ipin ko.

Anyways, akala ko noong hinihintay ko itong decision letter ng insurance ako ang magiging liable sa buong bayad pero sinuwerte pa rin at naawa ata yung nag-review ng claim at pinagbigyan na rin ako. Haay salamat naman..kung hindi halos anim na anda rin yun! 

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply