semana santa 2007

Holy week. Siguradong buhol-buhol na naman ang trapik sa pinas.

Dito naman sa amin regular pa rin ang schedule. Inaayos nga ng amo ko na makauwi kami ng maaga sa Good Friday. Ang kaso mo naman buzy ako every friday dahil billing ng isa sa malaki naming kliente. Siguro uumpisahan ko na lang na gawin on Thursday para madaling matapos sa Friday morning. Feel ko sanang mag-off pero mahirap na. Hindi pa kami pareho ng rehilyon ng may-ari. Pero holy din ata sa kanila ang week na ito.

Kausap ko kanina ang co-worker kong chicana. Sa kanila daw pag sabado de gloria yun nanay nya hinihila daw ang tenga nila paitaas para raw lumabas ang demonyo sa katawan nila. Baket kaya? kasi siguro pumapasok ang dimonyo sa tenga by means of evesdropping? o dahil sobra silang tsimosa kamukha ng mga pinoy? Naku siguro naglalakihan ang mga tenga doon sa may sa amin sa Tondo!

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply