sinat-lagnat-sipon

Easter weekend at saka hanggang ngayon may sinat pa rin. Kahapon nag-workout pa rin ako dahil lalo lang akong magkakasakit kung iindahin ko ng husto itong lagnat ko. Katuwiran ko kung nagawa kong pumasok sa work kaya ko rin pumunta doon sa workout ko. Ska read somewhere na if you feel sick neck up oks lang. Pero kung neck down-rest ka muna.

Eh paano ang multiple symptoms? …. hala! patay na kung patay!
Hirap kasi masyadong kong inaalanalyze lahat ng kinakain ko. Tapos napra-praning pa ako sa mga nararamdaman ko. Lahat na lang ng sakit ko feeling ko cancer. Lahat na lang ng paninikip ng dibdib ko – heart related kahit pulled muscles lang dahil sa kawalan ng exercise dati.
Pero sa tutoo lang feel kong i-review ang life insurance ko. Term pa naman yun. Kailangan ata instant dedo ako bago makapag-claim? Ngeeee…ano ba yan!!

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply