Texas weather strikes again!

Brrrrr! Kahapon nag chri-christmas shopping kami ng jowa ko at ng bunso and it was a nice 74 degrees (74F) sa labas. Parang spring ba. Tapos ngayong umaga pag-gising namin it’s currently 29F!!! ngggiiiiinig! pero forewarned naman kami kasi lagi naman naming tinitingnan ang weather.
I think for the next 2 days ganito ang temperature kaya feeling winter na talaga.
Monday pa naman..sarap mag-in-in sa kama!

xmas shopping on da 23rd

As always, I am at it again doing the christmas shopping on the last days before christmas. Same thing like last year pero medyo may konting bala this year. Maganda kasi ang gay-bi ni Shaider na pamasko kaya relax lang sa shopping.
Pero sa katuwaan kong mamili hindi ko na nakita yung presyo. Feeling ko sale lahat ng shirt. O Loko! nadale ako ng tig-oober kwarenta plus na long sleeves. Eh pang under ty-five lang naman ang cap ko. Nasermonan tuloy ako ng jowa ko. Hila lang daw kasi ako ng hila. hindi na tinitingnan ang presyo.
Hindi bale, ganda ko naman lalaki pag suot ko na yun. aaahahahhahhah!