Take some typing classes

“Hanggan’t bata pa kayo gumawa kayo ng paraan para matuto ng typing “, yan ang lagi kong payo sa mga junakis ko. Sa panahon ngayon kailangan marunong kang mag-type dahil puro keyboard na ang kaharap mo sa pang araw-araw na buhay. Akala ko dati hindi ko na kailangan matuto dahil hindi naman ako magiging secretary…Hunghang! Ngayon kahit hindi ko binibilang ang daliring gumagalaw sa pagsulat ko nitong entry na ito masasabi kong 5 o 6 na daliri lang ang gumagana dahil inutil nga ako sa typing! Tuldok system nga lang ang alam ko pero medyo mabilis nga lang. Kaya please people..mag-aral ng typing hangga’t bata pa kayo..

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply