Taking a Long lunch at Discount Tires

Bigla na naman dumami ang tao dito sa dt. Nag long lunch ako today kasi takot na akong idrive yung kotse ko at kita na ang ply ng gulong. Kung ipipilit ko pa eh baka hindi na ako makapag blog pang muli! Lol!
Nung tininingnan ng sales rep yung gulong ko niloko pa ako at tinanong kung slick tires daw ang nakakabit.  Halos wala na nga kasing ply! Samadaling salita-nagatasan na naman ako ng humigit kumulang ng wadalaanda at sekalat. Yun na raw ang pinakamura nila. Wala kasi ng size ng kotse ko sa wally world kya dito na ako nagpunta.
Kanina mga 4 na tao pa lang at alas tres na ng hapon. Ewan ko ba kung saan lupalop nanggaling ang mga ito at nagsulputan na lang bigla.
Wala pa ring kupas ng galing ko sa bwena mano! Kahit hapon may bisa pa rin!

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply