Tondo Fiesta 2017! Mga Tips sa makikifiesta

tondo fiesta 2017

Sa mga makikifiesta dito sa Tondo, warning lang…
Hindi class na lugar ang pupuntahan nyo, wag kayo mag inarte at baka mapektusan kayo.
Asahan nyo na maputikan kaya wag magputi.
Wag magformal attire dahil hindi graduation ang pupuntahan nyo.
Tagayin ang alak na ibibigay sa inyo sa daan. Siguraduhin lang na hindi pa kayo lasing pag dating sa pupuntahan nyo.
Pag sinabing kain, kumain na agad at wag ng magpacute. Ipinaghanda kayo kaya kumain kayo.
Asahan ang masikip na daan. Ganyan magparty ang mga tagatundo. Mag prepare din ng dance step at baka maaya ka ng mga lasing.
Wag magpekpek short at hapit na sando kung ayaw mong mamanyak.
Sa mga may squad goals pag dating sa paglamon. Magdessert muna at wag magkanin kung 100 bahay ang pupuntahan nyo.
Wag magdala ng supot. Nakakahiya. Fiestahan to hindi bigayan ng relief goods.
Wag tagayan ang hindi kilala at baka hindi na umalis. Maraming buraot pag fiesta.
Maghanda ng barya. Meron pa rin nagkakaroling kahit tapos na pasko.
Kung may tama na, magpass at meron pa hanggang mamaya.
Wag maging fuckboy at baka mapagtripan ng jowa ng bebe na tinatarget mo
Wag pumunta ng gabi at lasing na ang pupuntahan mo.
INUMIN AT KAININ KUNG ANO ANG INIHANDA SA INYO! Wala kayo sa resto para umorder ng pakain! Pinagipunan nila yan kaya MAGPASALAMAT KAYO!
Higit sa lahat magenjoy.

Alisin nyo na sa isip nyo na may pinapatay pag fiesta ng tundo. Matagal ng nananahimik si Asiong.

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply