Writer’s strike din ba ako?

Holiday blues..parang feeling ko pasko pa rin. Pahirapan pa ata ang pagsulat ko sa blog kong ito pero nungka akong nagsawa.  Outlet ko po ito mga pipol kaya pag itinigil ko ito eh baka maulol lang ako. 🙂

Feeling ko lang parang napasali ako sa mga writer na ang-iistrike doon sa paggawa ng mga latest materials para sa mga late night show host.  Tindi rin nila, hindi pwedeng basta na lang mag-deliver ng sarili nilang lines..masyado talagang masalimuot.. 

Anyways.. ika 2nd week na ng bagong taon at paspasan na ang trabaho. What else is new?!  Lagi naman paspasan sa work.  Katatapos mo pa lang sarahan ang isang buwan tapos kasunod na ang trabaho for the next month’s worth.  Plano ako ng plano na hahabulin ko ang mga work na na-pending noong lumayas yung isang katrabaho ko pero hanggang ngayon pending pa rin.  Hirap maging-ahead.
Yea..yea..time management lang yan.  Motivation and Organization…etc..etc… Wish ko lang…

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply