2 new members of the family


Petco was the final stop on our saturday drive after the bday party that we went to last saturday.
Dami na to-go-box ng jhowa ko. Pabalot daw sabi nya. Oks naman. May sisig na napasama. Tagal ko na ring hindi nakakapagluto ng sisig. Remember ko pa noon sa tondo na pag napagtripan kong magluto doon mismo sa padre rada ako nag luluto sa kawa. Tanggalan ng bagong sampay sa kalsada kasi mangangamoy usok daw.
Teka, nawala sa topic!
2 new members nga sa pamilya.

Isang hamster

 

 at isang parakeet or lovebird ang usual tawag sa pinas.

Tagal na kasing gustong magkaroon ng pets itong mga junakis ko. Gusto nila aso pero ayaw na ayaw ng jhowa ko ang aso. Masyadong high maintenance kasi. Kaya stuck sila sa caged pets! At least isa man sa mga bagong ampon naming ito ang magkasakit at madedo dispatcha mo na lang sa tabi-tabi.  Kung aso, nako, obligado kang dalhin sa vet para sa mga regular shots and checkups.  Parang tao at minsan mas magastos pa kaysa sa tao. Siguro kung very rich kami afford namin yun.  Pero yung isang kilala kong doctor kinakarkula nya rin ang mga gastos sayang lang daw.  Makakabili ka nga raw ng tuta for $500 pero ang pagawa lang daw ng isang outdoor cage sa isang rottweiler aabot daw ng mga $6K!
OO na! pareho kaming kuripot! heheheh!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.