Sabi sa Wiki – Due Diligence – (also known as due care) is the effort made by an ordinarily prudent or reasonable party to avoid harm to another party or himself. Failure to make this effort is considered negligence.
Ilang beses ko na kasing na-encounter itong word na ito sa trabaho kahit na hindi naman directly connected sa nature of our business. Last couple of days nainvolve kasi ako sa feasability study kung mag-ooffer kami ng international factoring as a form ng pagbabayad ng kliyente from outer space..eh international pala. Ang kulit kasi ng commissioner namin. Pero teka..definition muna ng COMMISSIONER – ito ay isang taong naghahanap ng bagong kliyente kahit saan lupalop basta lang makuha ang kanyang diyes porsenyto kesehodang balasubas ang kliyente. Samandaling salita – nangungumisyon or kunsumisyon!
Pero bago ako malayo sa pinaguusapan, ayun..ang due diligence ay ang pagkakalkal sa kaibutiran ng isang kumpanya ukol sa kanilang establismo kung ito ay karapat-dapat sa kinuukulang pangngangailangan. Lahat ng baho o kabanguhan ay hahalukayin sa pamamagitan nito. Syempe ito ang panahon para itweak ang mga libro.