WFH (Work from Home) ako today in observe Good Friday or Biyernes Santo para sa mga Pinoy kahit na espangol ang katagang Byernes Santo.
Ang Biyernes Santo ay isang pag-gugunita sa kamatayan ni Jesus Kristo or Jesus Christ. Kung nasa pinas ka mararamdaman mo ng husto ang araw na ito dahil talagang halos walang bukas na mall o sinehan at napaka-solemn ang araw na ito.
Karamihan sa paniniwala na pag-nasugatan ka sa Biyernes Santo matatagalan bago gumaling ang sugat mo dahil patay daw ang diyos.
Marami rin naniniwala na malapit sa aksidente o sakuna ang araw ng Biyernes Santo dahil wala raw gumagabay sa ating paglalakbay.