Daddy? can we go to McDo?

Hindi na ako nakaligtas sa kulit ng bunso ko kahapon ksi nagyayaya sya na pumunta sa mcdo pero medyo may hangover pa ako sa whole weeks workdays kaya sabi ko na lang bukas na kami pupunta. Medyo nagtatarang ng konti pero nawala na rin.

Kaso eto na! Pagkagising ng loka bukangbibig nya..dad? Can we go to mcdo? I tried talking myself out of it but once you promised her something you have to make good or she just won’t letup with her constant nagging.

So nagbihis na rin kami at niyaya namin ang dalawang ate nya pero bagsak yung isa kaya yung pinaglihi sa kawayan na ate nya na lang ang sumama. Sa payat ng isang anak kong iyun malakas namang lumamon!  Bilib ako!

So umalis nakami at settled na sa pagkain sa McDo.  At ito talaga ang main topic sa post ko- ang playground sa mcdo or any playground for that matter. (ano? saan kaya pupunta itong istorya…?)

Pinalaki ko ang mga anak ko by trying to expose them sa mga activities ng mga peers nila.
Ang purpose ko interactions and at the same time para ma-expose sa mga elements ng kapwa nila.
Lumaki kasi kami sa isang lugar na maraming kapitbahay sa manila. Ang sikat na lugar sa tondo-divisoria!
I can’t think of anything densely populated sa manila kung hindi sa tondo. Sa paglaki namin doon syempre lahat na ang elemento masasagap mo. Yung ang nagbigay sa amin ng immunity sa mga sakit habang lumalaki kami. Yun nga lang, wala naman akong balak na irecreate ang paglaki ko sa mga anak ko dahil hindi nila makakayanan ata ang pinagdaanan ko noon. Opps..information overload..tapusin na ang sentimyento..sensya na sa bitin! heheh!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.