DVRs Digital Video Recorder


 

1st hand-on experience ko yung TIVO na bow ako talaga sa mga features.  Bago pa nauso ang slingshot ginagawa na ata ng Tivo ang remote viewing.  Naswertehen lang talaga na self-proclaimed technical guy and advisor ako sa trabaho ko kaya nakapag-experiment ko ng husto sa Tivo.

Pero sa ngayon ang gamit namin sa bahay ay yung DISH DVR 510 at saka yung DISH DVR 625.  Etong nasa picture Dish 625 na may dual tuner capability.  Pwedeng single user lang na habang pinapanood mo ang isang channel pwede mong irecord yung isa pang channel.  Pero kung hindi ka naman swapang at gusto mong mag-share pwede ring dual user na User no 1 ka with your own remote control and User no. 2 will have his/her own remote control sa ibang TV in a different room. Feeling 2 DVR nga in 1.

Recently nga lang may legal issue sa news tungkol sa pagnenenok ng Dish sa intellectual o copyright ng software design ng Tivo. Sandamakmak na milyones ata ang napabayad sa TIVO!  Pero dapat lang. ano? tatanggalin nila sa Dish subsciber ang DVR? tangna nila! hehehe!  Eh sa time-shifting functions lang sulit na ang binabayad ko pero pinagiiisipan ko pa rin talaga na magbawas.  Activate ko na lang siguro ang isang PVR (Personal Video Recorder) doon sa isang computer para makatipid.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.