Nag-lunch ako sa McDo sa loob ng Walmart kanina at syempre suplado ang dating pag lumalamon ako kaya sa wall ako naka-face. While chomping on my southwest chicken salad napatingin ako sa wall…Naalala ko yung dating office ni Erpat doon sa Juan Luna St. Binondo Manila. Doon sa lumang building…Marvel Building ata yun.
Yung office ni Erpat kasi dark mahogany ang plywood veneers. Heksekutive ang dating..kaso may kasamang amoy ipis! At sa tutoo lang..maipis talaga ang opis! Luma na kasi yung building na yun. Kaya nga lumipat sila ng opis bago nawala si Erpat. Pero daming memories ng office na yun. Doon ata nagsimula ang negosyo ni Erpat. I can’t seem to remember kung hanggang ilang floors yung building na yun pero ang opis dati namin ay nasa 4th floor. Pag may toyo ang elevator obligado kang umakyat sa batong hagdanan. Hilo ka nga lang pagdating mo sa itaas. Ska open yung mga bintana sa may stairways. Kita mo rin yung dumi sa inner side of the building. ska sa stairways ding ito nakatambay yung balot-balot ulam vendor. Pati miryenda may benta rin.
Minsan kasi trip kong pumunta ng office ni erpat. Minsan inuutusan ako..tapos noon parang hindi na makapag-hintay si erpat na lumaki ako para mag-take over daw sa business pinasasama ako sa mga ahente nya na nag-co-cold sales calls. Karamihan ng existing clients nya mga intsek. Yun din ata ang mga nagturo sa kanya ng import business. Tanda ko pa noon na malaki raw utang na loob nya sa mga kaibigan nyang intsek. Tapos pag Chinese New Year dami rin naming tikoy!
Anyways..balik sa opis. Dalawang sofa ang laman ng opis ng tatay ko pero total 3 area yun ni-re-rent nya. Leather ata yung sofa na yun na tinutulugan ni Erpat after lunch tapos si Ermat naman sa isang sofa. Normal practice na sa pinoy noon yung siesta at talaga naman recharged ka pag gising mo. Syempre sarap din at naka-aircon ka doon kaya feel mong mag-hilik to the max! Pati ata yung mga ahente nya sleep din..minsan nag-lalaro sila ng baraha at hindi ko naman maintindihan ang laro. Hindi pa uso ang pusoy dos. (hindi ko rin alam laruin yun..inutil talaga ako!)
Hindi ko nalaman kung paano kumikita si Erpat pero after a couple of years naka-jackpot sya tapos tuloy-tuloy na asenso nya. Bago naman sya nawala at least feel nya na he did accomplished a lot of things. and yes indeed….super talaga erpat ko…
Now back to reality.. tutuloy ko na yung excel spreadsheet ko..tama na bulakbol…