Isa sa mga responsibilidad ng pagiging bisor ng isang kumpana ay ang pamamahala ng mga tauhan. May nagpayo sa akin noong high school ako na hindi masama ang umakyat sa mataas na position ng kumpanya pero huwag ka lang mananapak ng kapwa mo. Lagi kong iniisip yun at hanggang ngayon ay pinaninindigan ko ang prinsipyong yun. May mga panahon na binabaluktot ko ang principyo ko at kinakatuwiran ko sa sarili ko na ok lang manapak ng tao pero dahan-dahan lang.
Isa sa pinakamahirap na situwasyon ay ang pagtutuwid sa isang pagkakamali ng tauhan mo at maaaring maging kahulugan ng pagtanggal mo sa kanya sa trabaho kung patuloy pa ring magiging matigas ang ulo. Lalo na kung alam mong may pamilya ang taong yun. Pero kailangan mo rin isipin na sa kumpanya ka rin nagtatrabaho at hindi kawang-gawa ang inyong negosyo. Simple lang ang kasagutan-tanggalin ang problemang tauhan at kumuha ng iba.
Bakit ako nagsisintemyento? Mahirap kasi ang makatao…may kunsensya..ok..salamat sa pagbabasa…feel much better now…