Ipinagbawal na ni Mayor Lim ng Manila ang paglaro ng computer games sa mga internet cafe or computer shops sa paligid ng mga iskwelahan sa mga oras ng klase (school hours) which is from 7am to 6pm.
Siguradong pababantayan ni Mayor Lim ang mga internet cafe na ito para makasiguro na tutupad ang mga ito sa bagong regulasyon. Syempre maraming nahihinayang na mga shop dahil malaking inihina ng kanilang kita dahil nga nabawasan ang kanilang kliyente.
Sa tingin ko nga naman importante rin itong ginawa na Mayor Lim para sa mga estudyante. Malaking ginhawa naman sa mga magulang dahil mababawasan ang pag-aalala nila na nauubos ang oras ng kanilang mga anak sa computer games. Tigas na kasi ng mga ulo ng mga kabataan ngayon o mahina na rin siguro ang pagpalo o paninindak ng isang magulang sa anak kaya’t hindi na makuha sa paliwanag. Ewan ko..basta ang alam ko yung mga junakis ko nandoon sa itaas at nag-lalaro ng World of Warcraft ba yun?