Yes….It’s been 5 years now since that dreadful day… 2 months after na dumating ako from Manila and I was at my in-laws house when it happened. All we can do it just watch TV helplessly and prayed for those people. Medyo nakakatakot din kasi pakiramdaman kung may susunod pang event na mangyayari. Ibang klase talaga. Nag-full alert ang Amerika after that tapos pahirapan ang pag-pasok sa port of entry. Imagine na galing kang ibang bansa tapos mag-to-tourist ka sa Tate ng time na yun? Sorry ka na lang. Balita ko talagang iimbistigahan ka. Affected din ang economy. Eh yung time na yun nag-hahanap ako ng trabaho dahil kababalik ko lang dito sa Tate from my long sabbatical leave. Before 9/11 medyo makapal pa ang classified ads ng employement section pero after 9/11 biglang numipis. Dahil nga siguro uncertain kung ano pa ang pwedeng mangyari kaya on-hold lahat ng business.
Pero first week ng October 2001 may tumawag sa akin at nagbigay ng trabaho! Swerte pa rin dahil referral nga at mukhang hindi naman mahirap ang trabaho (laking pagkakamali). Sa madaling salita nag-umpisa na akong magtrabaho sa isang wholesaler jewelry store sa World Trade Center in Dallas. What irony you say! Eh lalo naman ako! At first akala ko nga nagbibiro yung nagpasok sa akin pero bandang huli naniwala na rin ako. Sa accounting department po (para sa mga usisera) ang trabaho ko pero pag may nagtatanong sa akin kung anong trabaho ko lagi kong pabirong sinasabing…
…Sa tuktok (bubong) ng WTC-taga bantay ng dumarating na eroplano…. style air-traffic controller!