Tutule on the right, Luga on the left

tutule-sa-tenga-ni-nano

Tutule or ear wax sa wikang banyaga.  Taena! ilang taon yatang naninirahan sa tenga ko yung lintek na tutule na yun! Manatakin mo ba naman na kaning umaga pagkatapos kong maligo eh bigla akong walang marinig? I mean yun talagang feeling na nasa ilalim ka ng tubig sa swimming pool!
Matagal na kasing nakita ng doctor ko na marami nga raw pero di naman nya ishare yung nakikita nya visually kaya parang walang impact sa akin dahil I can still hear pa naman.

Yun nga at dahil din sa halos isang linggo ko nang paghihirap sa feeling ng may pressure sa left ear ko naman.

Alam ko may fluid pero noong pinatingnan ko sa regular doctor ko dahil feeling ko infected. Ok naman daw ang ear drums ko sabi ng Doc.

After one week talagang hindi ako mapakali kaya nag web checkin na ako sa isang urgent care dahil for sure steroids lang ang katapat nyan.  Buti naman at nadiagnosed ako with Eustachian Tube Dysfunction.  Naresetahan na ako at umpisahan ko na mamaya after I pick it up from the pharmacy.

So ayun nga pati na irrigation ng right ear ko tinira na.  After ilang beses na sirit ng tubig at kalkal ng panundot nahukay din ang ginto ni Yamashita!  Bigla akong nakarinig! Waw!

Tiningnan ko yung catcher na nakita ko nga ang “gintong nakabaon”. Pero syempre di naman ako ganon ka-gross kaya di ko na pinikturan. Pero nakatatak na sa utak ko yung itsura at laki. Talagang itsura sya na plug sa tenga due to its cylindrical shape. saka kahit ilalim sya ng tubig feeling ko compacted sya.

To give you some idea kung gaano kalaki then just look at the picture above. Halos kasing laki sya ng eraser ng lapis ko! pramis!

LOL! di ko rin inaasam na ivideo yun kaya sorry na lang kayo. 🙂

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.